Produkto Sa Optimisasyon Ng Nakumpres Na Hangin | Nex Flow Air Products

Produkto Sa Optimisasyon Ng Nakumpres Na Hangin

Compact Sound Meter

Suriin at Subaybayan ang mga Lebel ng Tunog sa Iyong mga Operasyon

Ang kagamitan sa pagsaid ng hangin ay maaaring maging maingay. Ang mga produkto ng Nex Flow™ sa pagpapalakas ng hangin ay dramatikong nakapagbabawas ng mga lebel ng ingay, ngunit hindi lahat ng larangan sa kanilang paggamit ay madaling matukoy dahil sila ay nakatago sa paningin o nalalagpasan lang. Sa pamamagitan ng pagsusubaybay sa mga lebel ng ingay sanhi ng nakumpres na hangin, ang mga larangan na nalagpasan dati ay maaaring matukoy. Ang Nex Flow™ Digital Sound Level Meter ay makakatulong sa pagtukoy ng mga matataas na lebel ng tunog upang maprotektahan ang mga manggagawa at subaybayan ang mga lebel ng ingay upang masiguro na sila ay hindi lalagpas sa nilimitahang standards na ipinakita sa OSHA standard 29 CFR – 1910.95 (a), na naglilimit sa 8 oras ng pagkalantad sa patuloy na ingay sa hanggang 90 dBA. Ang Nex Flow™ Digital Sound Level Meter ay tumpak at sinusukat at dinidispley ang lebel ng tunog sa isang malaking LCD displey. Ang isang fast/slow response na buton ay nagbibigay sa yo ng pagpipilian para sa sukat ng mabagal na tugon ng nakapirming ingay o mabilis para sa nag-iibang mga lebel ng ingay. Ang maximum hold setting ay magbibigay ng pinakamataas na lebel ng ingay at patuloy na mag-uupdate kung may darating na mas mataas na lebel ng ingay. Kung kailangan mong magtabi ng rekord ng mga sukat ng tunog, isang kumpletong data logging system ang magagamit. Ang anumang malakas na tunog na masusukat mula sa nilalabas na hangin ay maaaring tugunan gamit ang mufflers na nasa mga silindro. Ang anumang tinukoy na pagtanggal-ihip ay maaaring may nabawasang tunog gamit ang murang air amplifying nozzles.

PLCFC Control System

Plug at Play na Sistema upang Makatipid ng Enerhiya

Ang Nex Flow™ PLCFC ay isang pre-packaged plug and play sensing system na nag-o-on ng panustos ng hangin kapag kakailanganin, at nag-o-off kapag hindi kailangan, sa gayong paraan ay nakapagtitipid ng enerhiya. Ito ay dinisenyo lalong-lalo na para sa lahat ng mga uri ng pagtanggal-ihip (blow off) na paggamit. Ito ay preset upang “makaramdam” kapag ang yunit ay dapat ng i-on at pahintulutan ang daloy ng hangin, at pagkatapos na ang produkto ay dumaan, ito ay i-o-off pagkatapos ng dalawang segundo. Maaari itong iprograma muli kapag kailangan.

Ultrasonic Leak Detectors

Malakas, Madaling gamitin na Nahahawakan ng Kamay Detektor ng Tagas ng Hangin

Isa sa mga pinakamalaking dahilan ng pagkawala ng enerhiya sa isang sistema ng nakumpres na hangin ay mula sa mga tagas lamang. Ang isang nakaugaliang odit gamit ang de-kalidad na ultrasonic na detektor ng tagas ay magagawang tukuyin ang pinanggagalingan ng mga tagas na maaaring kumpunihin. Maraming mga ultrasonic na detektor ng tagas sa merkado na naglalaro mula sa napakamura hanggang sa mga napakataas na de-kalidad na yunit, na magagawa pang kalkulahin ang gastusin ng isang partikular na tagas. Ngunit para sa tauhan ng pagmementena, ang mga sumusunod na tampok ay mahalaga para sa pipiliing instrumento sa pagtuklas ng tagas:

  1. Ang yunit ay dapat na tumpak at madaling gamitin
  2. Ang ultrasound ay dapat na “dinig” sa ibabaw ng ingay ng pabrika
  3. Ang yunit ay dapat nababaluktot upang maabot ang mga lugar na mahirap masukat

Ang Nex Flow™ Ultrasonic Leak Detector ay isinama ang mga mahahalagang tampok na ito. Mayroon itong napakakipot na range ng prikwensiya upang matukoy ang isang tunay na tagas ng hangin at hindi isang dagang tumatakbo. Mahalaga ito lalong-lalo na sa mga mahirap mapuntahang lugar at pagtitiyak na ang itinukoy na tagas ay totoong isang tagas. Ang ingay sa pabrika ay maaaring napakalakas at ang paggamit ng simpleng headphones ay hindi lulunurin ang lahat ng pangunahing ingay sa pabrika, kung kaya ang tao ay madaling marinig ang tunog na nasasagap ng yunit. Pagdating sa kakayahang umangkop (flexibility), ang Nex Flow Ultrasonic Leak Detector ay may sensor na nasa dulo ng isang nababaluktot na tubo. Sa ganitong paraan, ang yunit ay makakasukat sa paligid ng mga sulok at mapupuntahan ang mga mahihirap maabot na lugar at matukoy ang mga posibleng tagas. Ang yunit ay pinapatakbo ng baterya, na may volume control, at madaling gamitin. Simpleng i-on ito at “makinig”.

Bakit Kailangan Ng Optimisasyon?

Ang nakumpres na hangin ay isang kapaki-pakinabang ngunit magastos na gamit, at ang pag-ooptimisa ng paggamit nito ay dapat na prayoridad para sa anumang mga operasyon ng pagmamanupaktura. Ang optimisasyon ay hindi pareho ng pagtatanggal dahil maaaring magsanhi din ito ng negatibong kalalabasan.

Ang pagpapalit ng nakumpres na hangin gamit ang mga blower, halimbawa lang, ay maaaring gumana sa ilang paggamit ngunit sa iba, ito ay aktwal na makapagbabagal ng kalalabasan o payak na hindi magagawa ng mahusay ang trabaho. Ang kagamitan na pinatatakbo ng nakumpres na hangin ay karaniwang mas simple, siksik, mukhang brusko, at makakarga kaysa sa ilang mga opsyon na dapat ikunsidera depende sa paggamit. Sa kadahilanang ito, 70% ng magagamit na kasangkapang ito ay patuloy na malawakang ginagamit sa buong mundo sa mga pagtanggal-ihip (blow off) at pagpapalamig na gawain.

Sa halip, mayroong dalawang mahalagang isyu pagdating sa paggamit ng nakumpres na hangin, ito ay ang gastusin at ingay. Ang mga isyung ito ay nalutas na kasama ang Nex Flow energy saving at noise-reducing air amplification technology, vortex tube cooling technology air moving products, at ang mga sumusunod na produkto ay makakatulong din sa optimisasyon ng nakumpres na hangin:

Makipag-ugnayan sa amin

We use cookies to give you the best online experience. By agreeing you accept the use of cookies in accordance with our cookie policy.